All political candidates will promise CHANGE

It’s election season again and campaigning is made easy and cheaper by using social media platforms. And cheaper too.
So far, as of this writing, the following tandems have formally announced their candidacy for the highest positions of president and vice president:

Panfilo Lacson and Tito Sotto

Manny Pacquaio and ???

Isko Moreno and Willy Ong

Bato de la Rosa and Bong Go

Leni Robredo and Kiko Pangilinan

Bongbong Marcos

We are also going to choose 12 Senators, mayors, etc.

All politicians will promise CHANGE. Panahon pa ng patola, di ba laging kasama sa talumpati nila “Panahon na ng pag-babago!” “I promise change.”

Tutoo naman yan. Kada merong bagong naka-upo maraming pagbabago. Pero eto ang tanong. Napabuti ba tayo o napasama pa? Change for the better or for the worse?  Anu-ano ang nabago?

Kaya ngayong election campaign na naman, let’s ask these candidates for specifics.  Ano ang babaguhin nila?

Merong pag-upo ng presidente, gumaganda ang takbo ng negosyo, meron naman pasama ng pasama dahil kung anu-anong rules and regulatuons and tax reforms ang ginagawa nila. Sa halip na makatulong para umunlad ang negosyo, sumasama pa. Kung magpataw sila ng bagong taxes, para bang umuulan ng pera sa bubong ng mga negosyante. Ang akala nila basta negosyo, lahat ay kumikita ng limpak limpak na salapi.

Marami sa kanila kinokopya lang ang mga plataporma, pero pag nakaupo na, nalulunod na sa attention and power. Nalilimutan na bakit sila inihalal na opisyal. Para tapat at buong kabutihan na maglingkod hindi para magpasasa at abusuhin nila at lahat ng taong nakakabit sa kanila ang kayamanan ng bansa.

Kahapon lang may kakwentuhan ako na may proyekto sa local government. Apat na milyon daw yung cost pero anim na milyon ang ipina dagdag dahil 2 milyon para kay mayor, 2 milyon kay vice, lahat daw meron kasama mga konsehal, etc. Kaya ang nakalagay sa contract ay 10 million. Grabe ano? Kaya maraming gustong maging opisyal, bumabaha ang pera.

Ano sabi nitong isang kandidato sa mataas na tungkulin sa kumare nya na nakatira sa America? “Umuwi ka na lang sa Pilipinas, madali ang pera dun.”  Medyo sumama ang pakiradam ko nung narinig ko yan.   Ibig bang sabihin ay nangungurakot sila?  At paano na kung manalo sya bilang pangulo ng bansa?  Anong gagawin nya?  Gagawa ng pera?  Dyos ko po, sana huwag naman nilang gawin nyan.  Kaawawa na talaga tayo.

Share

Related Posts