Antonia—-“Mam, ninang ba kayu ni Sir?”
Me——— “Hindi, wala pa akong inaanak sa kasal, ayaw ko. Ikaw Antonia, naging ninang ka na ba?”
Antonia—-“Limang bisis na mam”.
Me———“Wow dami na”.
Antonia—-“Hindi naman ako makatanggi mam. Tinanong ko nga bakit ako eh madami naman dun mayaman. Kasi daw mabait ako”.
Me———“Alam kasi galing ka sa Qatar, tapos nagpapa-utang ka pa sa mga farmers”.
Antonia—-“Magastos nga mam. Yung damit ko lang na suot ang ganda-ganda, ang tela galing pa sa Qatar. Dalawng libo ang pakimkim ko, naka sobre”.
Me———“Wow. Ang laki”.
Antonia—-“Bukod pa mam sa regalo, may sabit pa yan”.
Me———“Anong sabit?”
Antonia—-“May sayaw, tinatawag isa-isa yung pangalan namin, isasabit sa saya nung babae. Yung iba limandaan, isang libo”.
Me———“May regalo ka na at sobre bakit kailangan ka pang magsabit?”
Antonia—-“Kaugalian yun, kaya may dala-dala akong singkwinta at beynte, baka lumapit sa akin yung groom, para may isabit ako. Ang laki mam ng gastos”.
Me———“Pagnakita mong lalapit sayo, batuhin mo ng mga limang piso”.
Antonia—-“Hindi pwidi mam, baka sabihin ang kuripot ku naman”.
3 thoughts on “Antonia is 5x ninang sa kasal”
Comments are closed.
How generous of Antonia, inspite of her simple lifestyle, to give monetary gifts to her 5 pairs of inaanak sa kasal.. ❤
God bless her for her kindness and generosity.. ❤
God bless u and ur family too, Ms Annie, for hiring Antonia again in ur household.. ❤
Thank you Pam.
HILARIOUS!