Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Huwag Ibenta ang Boto - Oh My Buhay

I will conduct an informal election survey among my relatives, friends, neighbors, employees, strangers.  I have no party affiliation, it’s just for fun.  Natutuwa lang ako.

I recently discovered that a 3rd cousin of mine is a Marcos loyalist. Nakupo araw-araw meron syang mga video about Marcos. Love na love nya si Bongbong. I am not sure if she registered to vote, she lives in New Jersey.

Hangga’t maaari we don’t want to get involved in politics. Kami ay pangkaraniwang mamamayan na naghahanapbuhay ng tahimik at marangal. Ilang beses na yan, everytime there’s a new administration, naiiba ang takbo ng buhay natin depende sa klase ng namumuno, simula sa taas hanggang baba. Minsan napapabuti, pero nitong nakaraan ay hindi gaanong maganda.

Ang ating dasal ay sana ang mapili nating lahat, kung sino man sya, si Leni Robredo ba, si Bongbong Marcos, si Manny Pacquiao, si Isko Moreno, si Panfilo Lacson, o kung meron pang iba na tatakbo, ay mauwi sa mabuti ang ating bansa at gumanda naman ang takbo ng kabuhayan natin.

Huwag kayong magpapaniwala sa mga masyadong nangangako. Sigurado ko hindi nila matutupad kahit ano sa pangako nila. Ayaw ko rin yung mga sobrang manira ng ibang kandidato. Ilatag nyo ang inyong plata porma hindi yung puro paninira. Ano ba ang kaya nyong gawin?

Hindi daw ako namumulitika pero meron na agad akong dalawang kandidato na lalaki na binura ko agad sa pagpipilian ko. Ito kasi walang duda na gagawa ito ng pera pag sila ay naka upo na. At hindi rin ako naniniwala na meron silang dalawa na kakayahan na mamuno ng ating bansa. So hindi na sila kasama sa pagpipilian ko. Yung naiwan na lang ay tatlong kandidato.

Pero kahit sino pa ang manalo, yung mga ibang posisyon sa gobyerno ay meron din mga deals. Kahit hindi kasama ang presidente, maraming pulitiko pa rin ang gagawa ng kanya-kanyang pera pati mga mayors at barangay.

Huwag sanang ibulsa ng mga taong nakapaligid sa kanila ang pera ng taong bayan. Lahat tayo nag-aambag dyan. Yan ay kaban ng bayan na dapat gamitin sa ikauunlad nating lahat. Hindi lang ng ilang kumpanya na malapit sa mga namumuno. Kung palpak itong mga maiihalal nating susunod, nakupooooo kailan na tayo nakabangon? At bago tayo bumangon, kailan ngayon pa lang magising na tayo. Alamin natin kung sinu-sino ang mga taong ihahalal ninyo, from the president, vice, senators, congressmen, mayors, etc. Oh hayan pa, yang mga senador na yan. Pagka tapos nung nakaraang election, wala na akong nabalitaan na may nagawa silang mabuti sa bayan.

Nakakatawa tayo. Pag may job opening, messenger kailangan namin at least high school graduate. Clerks must be college graduates. We give them written exams and personal interviews. Etong mga inihahalal natin parang popularity contest. Never mind if in their past life they did nothing to contribute to our nation’s welfare.

Muntik ko ng nalimutan, hundi ako pabor na sasabihin nyo sa mga mahihirap na tanggapin nila yung pera na ibinibigay ng kandidato pero huwag nyo syang iboto. You are actually teaching them to be dishonest, schemy, untruthful. Tinuturuan nyo ang mga two na maging TUSO. Manloloko. Bakit hindi nyo na lang sabihin na huwag silang tumanggap ng lagay? Period. Kahit alam nyong hindi sila makakatanggi sa pera, eh huwag nyong turuan ng masama. Basta sabihin nyo huwag ibenta ang boto nila, tapos.

(at Ford Cainta)
Annie Tan-Yee at Ford Cainta

Share

Related Posts