Huwag maniwala sa mga sinasabi ng mga politico

Huwag maniwala sa mga sinasabi ng mga politico. Tumanda na tayo, tuwing election pare-pareho lang sila ng sinasabi at ipinapangako. Do not believe candidates’ promises that they will be our servants.

Napansin nyo ba, para silang maamong mga tupa pag nangangampanya. What do they say?

“Kung bibigyan pa ho ninyo ako ng pagkakataon na makapagsilbi sa ating bayan”.

“Katuwang ninyo ako sa pagbabago”.

“Nais kong mapaglingkuran kayo, kung inyo pong mamarapatin”.

“Ang hiling ng ating taong bayan ay magsilbi ako sa inyo”.

“Ako po ang inyong abang lingkod”.

“Ang serbisyo ko po ay inilalaan ko sa ating bayan”.

Pansinin nyo para silang gustong maging mga bayani, gustong manungkulan KUNO sa bayan. Yuyuko-yuko pa pagka harap natin habang nangangampanya.

PERO karamihan sa kanila, pag nakapwesto na, may kapangyarihan na, akala mo mga hari at reyna, prinsesa at prinsipe. Tayo na ang maninilbihan sa kanila. Ang yayabang na at ang hahambog. Sangkatutak ang mga body guard, mga alipores. Ang mga kabit ay panay ang shopping. Tayo na ang servants, sila ang boss.
Pag na elect na sila, pagdarating sila, lalatagan pa ng red carpet, may mosiko pa, may payong at bulaklak. Tayo pa ang nanginginapo at sobrang yuyuko sa pagbibigay galang.

Tayo pa ang nagmamano. Di ba dapat sila ang magmano sa atin dahil sila ang naninilbihan? Sila ang ating sinuswelduhan? Kala ko ba sabi nila sila ay mga abang lingkod? Eh bakit kailangan pa ng red carpet?

Kaya kayo, huwag kayong masyadong magpaniwala ngayong darating na eleksyon. Hayan na naman sila, mag-iikot at mangangampanya. Parang mga humble.
Tandaan ninyo, sila ay nag-a-apply ng trabaho. Tayong mamamayan ang boss.

Galing kami sa Iloilo. Nung October 17 napansin namin ang daming police escorts o military sa driveway ng Marriott Hotel. Merong dalawang van (back-ups), tapos sa kanto meron pang ilang mga police na naka abang din. Sino kaya yun?
Daming bodyguards. Sayang ang oras ng mga police at pera ng gobyerno. Sa halip na nagbabantay ng mamamayan, natutulog sila dun, nakatunganga lang at naghihintay. Pag-balik namin sa hotel, nadun pa rin yung mga security. Tinanong namin kung sino bang VIP ang nasa hotel? Ay naku, kakandidato itong senador, unang sabak. Pero na appoint na sya dati ni Pres. Duterte sa mataas ring pwesto.

Share

Related Posts