Sa mga nangyayari ngayon sa ating kapaligiran, wala ng katiyakan ang buhay.
Hindi na tayo makapamuhay ng tahimik at ligtas sa kapahamakan. Ang buhay ay parang isang patintero. Parang isang laro. Kumikilos tayo araw-araw, umaalis ng ating mga tahanan, hindi natin alam kung ano ang ating kahihinatnan. Makakauwi pa ba tayo ng matiwasay, makakapamuhay ba tayo ng tahimik at kasundo natin ang ating paligid. Hindi natin alam kung merong nag-aadyang kapahamakan sa ating mga landas.
Nawa’y maligtas tayo sa mga kapahamakang nagbabanta sa ating mga paligid.
Maging tahimik sana ang mundo. Magkasundo-sundo sana ang mga bansa na maging para sa kapayapaan lamang. Malayo sana tayong lahat sa landas ng kapahamakan.

Maging mabuti tayong lahat.

#choosetobegood

Share

Related Posts