Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the complianz-gdpr domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in /var/www/wp-includes/functions.php on line 6114
Stress Attack & Dreams - Oh My Buhay

Every time I arrived home I feel very tired. It doesn’t matter what I did outside whether nothing or a lot, I still get drained. Three nights ago, although I was feeling very sleepy, parang I did not want to sleep kasi may nerbyos ako.
Last thursday while I was already in bed, I was palpitating. I turned several times at baka kako sa pag-higa ko lang pero I was still anxious about something. Friday night naman, sobrang kaba-kaba, parang yung heart ko gustong lumundag sa kama.
I wanted to get up and go to the kitchen but I would end up eating at 2 in the morning. I just prayed and buti naman I fell asleep.

Edmund said “baka kailangan mo nang mag tranquilizer”.
Me———- I was about to say…. ganyan ang mama, pag gabi sasabihin nya sa papa “Rec, ibili mo nga ako ng Valium 2 sa botica”.
(Ayoko, baka ma-addict ako)
Edmund—— Di ba may reseta dapat yun.
Me——— Hindi na, nakakabili ang papa ng wala
Edmund—– Prescription medicine yun, regulated.
Me——– Eh kilala naman nila ang papa at alam nila para kanino yung gamot.
Me——- Siguro kailangan damihan ko ang Vitamin B, “tart di ba sa nerbyos ito?”
Edmund— Right, sa nervous system. Ako masakit ang aking gout talampakan.
Me——- May sugat ka?
Edmund— Gout, gout yata ito.
Me—— Bakit ka naman magkaka gout?
Edmund— Sa kinakain.
Me——- Anong kinain mo?
Edmund— Ano pa eh ginisang monggo. Kanina, Hindi ko na napigilan.
Me——- Sorry, ‘tart, I was the one who bought that. Nakita ko sa grocery, naalala ko matagal na tayo hindi naka ka kain ng monggo. Di ba favorite mo yan.
Edmund—- Hindi na ngayon, masakit ang buto-buto.

Over breakfast
Me———- Napana ginipan ko merong babae nakatira daw sa Executive Village
Edmund—– Saan yun. Masyadong detalya, Executive Village.
Me——— tila sa Pasig. Parang pinuntahan ko daw, meron syang anak na baby girl, few months pa lang.
Hindi ko alam, basta nakatia sa Executive Village.
Edmund——- Saan ba yung Executive village
Me———- Basta mga middle class villages, nilalagyan ng executive village ang pangalan. Marami nun sa Pasig.
Edmund—– so anong nangyari.
Me——— Single mom sya, Parang sumakay ako sa kotse nya umikot kami sa village, puno ng bahay na may pintura, merong under construction.
Edmund—- Tapos, anong nangyari.
Me——– Ewan ko, hindi ko alam. tilanag-aartista sya.
Edmund—- Hayun, yung pinatay di ba nag-aartista yun.
Me——– Hindi, wala naman yung anak, eto meron, baby girl.
Edmund—- Merong anak.
Me——– Ha merong anak?
Edmund—- Merong anak yung pumatay.
(Going back to my panaginip)
Edmund—- so sino daw yun, anong nangyari.
Me——– I don’t know
Edmund—- ay, ano yun

(moral of the story, don’t wake up yet until you finish your dream so there’s an ending to your morning story, so it would be a morning glory).

Share

Related Posts

One thought on “Stress Attack & Dreams

  1. hirap talaga ng tumatanda kasi 🙂 pareho kami pala ni Edmund, I’m having my gout attack din right now, he he he. sabay pa kami.

Comments are closed.