The presidential election is coming too soon. Viber groups are bombarding our minds with all the publicities and propaganda favoring their own candidates. Naglalabasan na naman ang mga amuyung, and paid trolls.
Surveys are now hot, as hot as our Christmas carols godfather Jose Mari Chan.
Familiar faces, traditional politicians, and those politicians who’ve been serving in government kuno. Meron ding professional candidates. Yung laging tumatakbo tuwing may election na alam naman nila at natin na hindi naman sila mananalo. Ilang taon tahimik tapos biglang mag-iingay pag election na naman. Hindi ko alam kung ano game plan nila. Wala akong alam na tunay na nagawa nila para sa ikabubuti ng bayan pero matitibay talaga, nadyan lagi. Dapat yung mga ganyan ang tawag ay nuisance candidates.
Magawi naman tayo sa mga pumoporma na maging kandidato para sa mataas na pwesto.
Maraming pictures and names. Ang hirap pumili kasi wala akong mapili sa ngayon. Wala naman bang ibang kandidato?
For top positions in government, I would like someone who is at least a college graduate. Maraming hindi nakapag-aral na merong common sense pero mahirap kung walang pinag-aralan at aasa lang tayo sa common sense. In my own experience, dito sa bahay namin, ibang-iba pag ang maid or driver ay elementary graduate, high school level, high school graduaye, college level, college graduate. Iba ang level ng common sense nila.
Sa office din namin. Ang messenger dapat matalino kasi sya ay pumupunta sa iba-ibang opisina, banko, at nakikipag-usap rin sa mga sanghay ng gobyerno. Iba pag limited ang utak. Pag-inutusan ko sa national bookstore bumili ng red cartolina, babalik sa office kasi wala daw red. Pagtinanong ko ano ang meron dun? Hindi nya alam, babalik pa sya ulit sa National Bookstore para alamin.
Ang mga senador, etc. ay maraming budget para magpa sweldo ng mga edukado na consultants or assistants. Pero the official must also be intelligent enough to identify problems, solutions, and must have high analytical thinking otherwise he could be subject to manipulation and abuse by his assistants and consultants. He would just be reliant on them, Parang figure head lang, walang alam. Pang photo op lang.
Recently I saw on tv interviews some of the candidates for senator, VP daw or president. Nakaw-kaw-kaw, babasahin na lang mali-mali pa.
Wala man silang plata forma, kinopya lang ng handlers nila yung mga lumang platforms ng lahat ng mga kandidato.
Pwede bang iba naman ang iboto natin. Maghintay tayo baka sakaling merong lalabas na mas mahusay at tapat. Parang kawawa naman talaga tayong mga Pilipino. Pasama yata ang mga quality ng mga opisyales natin.