Today, 11:30 am

A———Hello, Armin, single ka pa?
Armin—– Oo mam, kahit kailan hindi pa ako nagka girlfriend.
A——— Pasensya ka na ha, tanungin ko, bakla ka ba?
Armin—– Hindi mam, ganito lang ang boses ko, sweet.
Sa totoo lang mam, pag nakita mo ako, kung may anak kang dalaga baka hindi mo ako tanggapin, mukha akong bata.
(Wow, isa pa itong may sabit).

A——— Sige interview-hin na lang kita.
Armin—– Mam, ngayon na lang, para may pera ako, wala kaming pambili ng bigas.
A——— Sige, pangalawang kanto mula sa bahay nila Mrs. Chua.

2 pm

Armin—– Mam, may iniksyon ba yang mga dogs nyo?
A——— Lahat meron.
Armin—– Kinagat ako nyan, nilagyan ko ng Betadine.
A——— Jo, sino daw ang kumagat sa kanya?
Jo——– Mam, si Jack. Hindi naman sya kinagat.
A——— tingnan ko nga? Wala naman, na scratch ka lang.
Armin—– Nakagat na kasi ako ng aso nuon, nangitim na ako, muntik na akong mamatay.

Nonie—– Mam, bakla ba yun, kasi yung boses nya, ateeee hayan na naman ang aso baka kagatin akoooow.

Bad jack.

Share

Related Posts