Executive Driver 2

N—-Hello mam! May nakuha na kayong driver?
A—-Wala pa.
N—-Gusto nung pinsan ko pumasok sa inyo.
A—-Hindi naman sya dumating nung lunes para ma interview.
N—-Sabihin ko mam interview-hin ka.

N—-Pasensya na mam hindi nakapunta yung driver. Nag-extra pala sa iba. Papuntahin ko mam dyan. Kailan pwede?

A—Wag mo na lang akong tawagan. Kung merong gustong mag-apply, paki email na lang yung biodata.
N—-Sira mam ang computer ko. Fax kaya?
A—-Sige i fax mo na lang.
N—-Wag fax mam, malayo, pupunta pa ako sa labasan.
A—-Wag mo na akong tawagan. Na-i-stress ako sa’yo. Mag text ka na lang kung merong gustong mag-apply. Or ako na lang ang tatawag sa’yo.
N—-Stress.. Bakit ka stress mam? Bawal ma stress. May problema ka mam?
I didn’t answer. kunwari nawala signal.
N—-Hello, mam, mam, hello, ay naputol.

Share

Related Posts