Grabe sa yaman ang mga corrupt politicians, and contractors

It’s not just the DPWH flood control projects that are plagued with corruption, but also projects from other government officials, all over the country.

In fact, whenever Edmund and I go out of town, he often says, “hayan, naghuhukay na naman.  Kailan lang ako dumaan dito, ayos naman yung kalye, ngayon hukay-hukay na.”

Flood control pipe laying in the mountains? How can it even flood there?

A building reportedly cost P450 million, but according to a contractor from the town, it only cost P280 million.

The personal businesses of politicians’ children—charged to the government.

We’ve known that corruption in government is a fact of our Filipino lives. But we used to think it was just a little.

Matagal ko ng alam na yung mga nakaupo ay grabe ang mga perang ginagastos pansarili nila.
Bilyon ang budget ng mga probinsya galing sa national government kaya todo-todo ang gastos at corruption na hindi naman napupunta sa dapat paglagyan.

PLUNDER is the right word for what they do— politicians, government employees, and those contractors conniving to steal money from ordinary citizens. Tayo nagta-trabaho ng marangal, nagbibilang ng pisu-piso, pero sila, nilulustay ang mga pera natin. From millionaire, in a few years, billionaire na agad. “My husband said “dapat pala nangontrata na lang ako.”

Kung ang asawa ko ay involved sa fake bidding, amin din yung tatlong companies participating in the bidding, ano kaya iisipin ko? Will I be happy with billions of pesos but knowing fully well that the money is technically stolen from the national treasury, pera ng bayan? Siguro sanay na sikmura ko. Maybe I will turn also into a bad person.

Bago pa lumabas itong DPWH thing, alam ko na na nangyayari ito. Pero sabi nga ni Mayor Vic Sotto, meron tayong kasalanan kasi tahimik lang tayo.

Kung may alam ka na katiwalian, kanino ka magsusumbong? Yung lalapitan mo, sila din yun.

Corruption also happens in private companies. Stealing is endemic in our society. Ano ba mananakaw ko, ano ba maiuuwi ko.

Millions stolen from the government must be punishable with life in prison without parole. What about the staggering billions of pesos stolen? Life in prison to the government officials, engineers, contractors, who all connived to plunder hundreds of millions and billions from our country, from us.

Ninakaw nila na dapat ay naipagamot ng mga mahihirap, ninakaw nila ang mga dapat ay naibili ng bigas at ulam ng milyun-milyon na Pilipino. Ninakaw nila ang mga tuition fee at panggastos sa eskwela. Sa laki na nawawaldas ng gobyerno, dapat walang Pilipino na nagugutom. Dapat walang Pilipino na hindi makapunta sa doctor dahil walang pera. Dapat lahat ng Pilipino ay makapag-aral kahit man lang hanggang high school.

Hindi gobyerno ang ninanakawan nila. Tayo. Tayong mga mamamayan. Tayo naghahanapbuhay ng tama. Tayo na laging ginigipit ng gobyerno para magbayad ng VAT, income tax, puro increase. Lagi silang short sa budget daw kaya taas ng taas ang buwis. Pero winawaldas lang nila ang mga pera natin.

Ilang bilyon ang nawala sa Department of Health?
Ilang bilyon ang nawala sa Department of Education?
Ilang bilyon ang nawala sa DPWH?
Ilang bilyon ang nawawala sa mga barangay, munisipyo, kapitolyo, at sa iba pang departamento ng gobyerno?
Ilang daang milyon ang napupunta sa casino sa halip na ipag-aral ng mga mahihirap? Ilang trilyon ang utang ng Pilipinas?

Eto magbibihis na ako at pupunta dyan sa kanto para sumama sa rally.    Ang layo ng bahay namin pero naririnig namin yung sigawan nila.  O punta na kami ngayon.  See you all.

 

 

 

Share

Related Posts